Ang Mga Alagad ni Padre Pio

Sa loob ng maraming mga dekada, maging sa ilang mga siglo, milyon-milyon nang mga tao ang tumiwalag sa Simbahang Katoliko at ngayon ay sinusuway ang mga utos ng Diyos.

Ang lipunang umiiral sa panahon natin ngayon ay unti-unting lumalayo sa Diyos at nalululong sa imoralidad. Pinaparupok nito ang kaluluwa at sinisira ang mga pamilya.

MAAARI BA TAYONG UMAKSYON LABAN SA MGA PAGSUBOK NA ITO?

Oo! Magagawa natin ito sa pamamagitan ng pakikilahok sa apostolado ni Padre Pio, isa sa pinakapuri-puring santo sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko.

Isang santo na nabuhay sa ating panahon upang tuparin ang misyon na pagsama-samahin ang mga nawawalang kaluluwa at ibalik muli sila sa Panginoong Diyos.

Ang misyon niyang ito sa mundo ay napakahalaga na ninais ng ating Panginoon na matamo at patotohanan niya ang mga sugat ng Pasyon at Pagpapako sa Krus ni Kristo.

Bagamat yumao na siya, masugid pa ring tinutupad ni Padre Pio ang kanyang misyon mula sa langit. Matutulungan natin siya sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kaniyang mga kwento at mga ginawang himala.

KAKAYANIN BA NATING MAG-ISA NA LABANAN ANG UMIIRAL NA MGA KASALANAN NGAYON?

Si Padre Pio, o si San Pio de Pietrelcina, ay lubos na pinagpala na binayayaan siya ng kakayahang makipagusap sa mga anghel at labanan ang demonyo.

At dahil nakikita niya kung ano ang nasa hinaharap, mapapayuhan din niya ang lahat ng matapat na nagtitiwala sa kanya.

Sa pamamagitan ng paglalagay mo ng iyong sarili sa ilalim ng kanyang kalinga at proteksyon, makakamit mo ang kanyang suporta at makikinabang ka sa kanyang pagpapala at biyaya.

ISIPIN MO NA LANG ANG MAGAGAWA NITO SA IYO AT SA IYONG PAMILYA KUNG BABALING KA SA KANIYA!

Sumali sa samahan ng kanyang mga alagad !


San Padre Pio, ipanalangin mo po kami!

x